123 na OFWs mula Singapore dumating sa bansa

Dumating sa bansa ang 123 pang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Singapore.

Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga OFW Lunes (April 27) ng umaga.

Ang pamasahe ng mga OFW ay sinagot ng kanilang employer na AJI International Pte. Ltd.

Maliban sa mga empleyado ng AJI, kasama ding umuwi ang 3 pang Pinoy mula sa Delta 1 Company at 4 pang OFWs na humingi ng tulong sa Philippine Embassy sa Singapore.

 

 

 

Read more...