Lockdown ikinukunsidera sa Cavite dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19

Posibleng magpatupad ng total lockdown sa lalawigan ng Cavite kung magpapatuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Cavite Gov. Jonvic Remulla nakapagtala ng walong bagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan na resulta ng katigasan ng ulo at hindi pagsunod sa ipinatutupad na guidelines.

Sinabi ni Remulla na dapat sana ay mas maaga siyang nakapagpatupad ng mas mahigpit na enhanced community quarantine.

Dahil sa patuloy na pagdami ng kaso, hihingi ng dagdag na reinforcement si Remulla sa Philippine Army.

Sisimulan na rin ni Remulla ang pakikipag-usap sa mga alkalde para sa posibilidad na magpatupad ng lockdown.

 

 

 

Read more...