Kim Jong Un maayos ang kondisyon

Buhay at maayos umano ang kondisyon ni North Korean leader Kim Jong Un.

Kasunod ito ng mga ulat na sumailalim sa heart surgery ang lider at nakaratay ito sa ngayon.

Ayon kay Moon Chung-in, special adviser ni South Korean President Moon Jae-in, buhay ang North Korean leader.

Nasa Wonsan umano si Kim simula noong April 13.

Nagsimulang umugong ang mga balita na hindi maganda ang kondisyon ni Kim mula noong April 15 nang hindi siya dumalo sa selebrasyon para sa kaarawan ng kaniyang lolo na si Kim Il Sung.

 

 

 

 

Read more...