Sa video na ibinahagi sa Twitter ng OFW na si Eric Cabahug, sinabi nitong noong sila ay nasa isolation sa Kuwait ay maayos silang naasikaso at nasunod ng tama ang social distancing.
Pero nang dumating sila sa OWWA, dikit-dikit ang mga kutson na kanilang tinulugan.
Inihalo din sila sa mga OFW na galing ng Dubai, Korea, at iba pang bansa.
Dahil dito, nangangamba silang mas tumaas pa ang posibilidad na sila ay mahawa sa COVID-19.
Ikinadismaya ni Locsin ang naturang sitwasyon ng mga OFW.
Mabuti aniya at mayroon nang cellphone cameras na nakapagre-record ng sitwasyon.
MOST READ
LATEST STORIES