Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 191.08 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (April 27) mas mababa sa antas nito kahapon na 191.24 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig sa Ipo dam na nasa 100.13 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 100.24 meters habang bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 76.78 mas mataas sa antas nito kahapon na 76.75 meters.

Samantala, nabawasan din ang water level ng Ambuklao, Binga, at Pantabangan, nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Magat at Caliraya dams habang nanatili naman sa 243.75 meters ang antas ng tubig sa San Roque dam.

 

 

 

 

 

 

Read more...