Bilang ng nasawi sa France dahil sa COVID-19 mahigit 22,000 na

Umakyat na sa mahigit 22,000 ang bilang ng naitatalang nasawi sa France dahil sa COVID-19.

Ang France ay mayroong 22,856 na death toll sa COVID-19 at pang apat sa mga bansa na may pinakamaraming bilang ng mga nasawi dahil sa sakit.

Sa kabila nito, sa araw-araw ay nakikitaan na ng pagbaba sa mga bilang ng nasasawi sa France.

Sa magdamag ay 242 lamang ang nasawi sa naturang bansa.

Ang France ay mayroong 162,100 na kaso ng COVID-19.

 

 

 

 

 

 

Read more...