Pero ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, titiyakin ng DOH na hindi makadaragdag sa problema sa mga ospital sa bansa ang mga kaso ng dengue.
Ani Vergeire, mayroon naman nang COVID-19 referral hospitals para sa mga COVID-19 patients.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng DOH sa mga Local Government Units para abisuhan ang mga ito na tiyaking magpapatuloy ang health-care system para sa iba pang serbisyo.
Inaasahan ding magpaptuloy ang pagbaba ng kaso ng dengue sa bansa.
Noong December 22 hanggang 31 ay nakapagtala lamang ng 815 na kaso ng dengue ang DOH mas mababa ng 87 percent kumpara sa parehong petsa noong 2018.
MOST READ
LATEST STORIES