LOOK: Barko ng PH Navy nasa China para kuhanin ang mga PPE na binili ng DBM

Dumating na sa Xiamen, China ang barko ng Philippine Navy para kuhanin ang mahigit 20,000 kahon ng personal protective equipment (PPEs) na binili n g Department of Budget and Management (DBM).

Ang BRP Bacolod City ay nasa Zhangzhou Harbor.

Tinatayang 33 container vans na puno ng PPE ang isasakay sa barko.

Noong April 21 nang umalis sa Pilipinas ang BRP Bacolod City at naglayag patungong China.

 

Read more...