Quezon City natanggap na ang 57 resulta ng mahigit 1,600 na swab test sa kanilang Community-Based Testing

Mayroon nang anim na nagpositibo sa mahigit 1,600 na naisagawang swab test sa Community-Based Testing na ginagawa ng Quezon City local government.

Sa abiso ng QC LGU, simula noong April 13 hanggang April 25 ay nakapagsagawa na sila ng 1,685 na swab tests.

Sa nasabing bilang 57 na ang lumabas ang resulta.

51 ang negatibo at 6 ang positibo.

Araw-araw na nagpapatuloy ang community-based testing ng Quezon City.

 

 

 

Read more...