Lola, anak at apo nahulihan ng mahigit P200K halaga ng shabu sa Makati

Aabot sa mahigit P200,000 na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa tatlong magkaka-anak na suspek sa Makati City.

Naaresto sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Makati City Police ang 63 anyos na si Miraflor Espayos; kaniyang anak na si Joy Espayos, 38 at apo na si Kristel Espayos, 19 anyos.

Ikinasa ang buy-bust operation laban sa mag-iina sa Acacia St., Brgy Cembo.

Nagawang makabili ng mga otoridad sa tatlong suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu na aabot sa P3,000 ang halaga.

Nakumpiska din sa kanila ang 7 sachet ng hinihinalang shabu, at P3,000 na buy bust money.

Kabilang din sa mga nakumpiska ang mga sumusunod:

-2 unit Cellular phone iphone 11
-1 unit Cellular phone 1phone8+
-1 unit cellular phone shawming M.i
-1 piece weighing scale
-1 Hand Bag color Black
-1 mitsubishi adventure color white with plate number AAI-5509.

Tinatayang aabot sa P204,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlo.

 

 

 

 

 

 

Read more...