Easterlies umiiral sa Silangang bahagi ng bansa, ITCZ umiiral naman sa Southern Mindanao

Easterlies pa rin ang nakakaapekto sa Silangang bahagi ng ating bansa ngayong araw ng Lunes (April 27).

Ayon sa 4AM weather update ng PAGASA, mainit at maalinsangang panahon ang patuloy na mararanasan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw.

Dahil naman sa north easterlies windflow ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mga posibilidad ng mga mahihinang pag-ulan ang bahagi ng Batanes at Babuyan group of Islands.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, inaasahan naman ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may posibilidad ng mga pag-ulan sa hapon o sa gabi.

Magandang panahon pa rin ang patuloy na mararanasan sa bahagi ng Visayas region maliban na lamang sa mga panandaliang buhos ng ulan o mga isolated thunderstorms sa hapon o gabi.

Intertropical Convergence Zone (ITCZ) naman ang nakakaapekto sa Southern Mindanao.

Maulap na kalangitan na may posibilidad ng mga kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms partikular na sa Davao Region, Bangsamoro at SOCCSKSARGEN dahil sa epekto ng ITCZ.

Magandang panahon o bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Mindanao maliban na lamang sa mga isolated na mga pag-ulan o thunderstorms.

Walang nakataas na gales warning sa anumang baybayin ng bansa kung kaya’t malayang makapaglalayag ang ating mga mangingisda at mga mayroong maliliit na sasakyang pandagat.

 

 

Read more...