257 na OFWs mula Jeddah nakauwi na ng bansa

Aabot sa 257 na distressed Overseas Filipino Workers mula sa Jeddah ang nakauwi na sa bansa.

Sila ang ikalawang batch ng mga OFW mula Saudi na napauwi sa bansa.

Ang Philippine Consulate General Office sa Jeddah ang namahala sa repatriation ng mga OFW.

Pinayagan sila ng kanilang employers na umuwi dahil sa pandemic ng COVID-19.

Ayon sa DFA sa mga susunod na araw ay may mga darating pang OFWs sa bansa.

 

 

 

 

Read more...