NPA, hindi na dapat umasang palalawigin ang tigil-putukan – Palasyo

Hindi na dapat na umasa ang New People’s Army (NPA) na palawigin pa ang ceasefire.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, wala nang iiral na tigil-putukan kung patuloy na gagawa ng pag-atake ang NPA sa tropa ng militar na abala sa pagtugon sa COVID-19.

Natapos ang isang buwan na ceasefire sa pagitan ng gobyerno at NPA noong April 15.

“Tapos na po ‘yung ceasefire. ‘Yan po ay natapos na at hindi pa nare-renew. Sa tingin ko naman, sa patuloy na pag-atake ng NPA, ‘wag na po silang umasa siguro bagamat ‘yan pa rin ay desisyon ng ating Presidente,” pahayag ni Roque.

Una nang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara ng martial law kapag nagpatuloy pa ang pag-atake ng rebeldeng grupo sa tropa ng militar.

Read more...