Bilang ng naserbisyuhang OFWs ng One-Stop Shop sa NAIA, nasa 3,687 – DOTr

Tuluy-tuloy na ang pag-operate ng One-Stop Shop (OSS) para sa mga pabalik na overseas Filipino worker (OFW) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 at 2.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nasa 3,687 OFWs ang naserbisyuhan ng OSS mula noong April 23 hanggang April 25.

Sa nasabing bilang, 2,346 OFWs ang naserbisyuhan sa Terminal 1 habang 1,341 naman sa Terminal 2.

Layon ng One-Stop Shop na maasistihan ang OFWs para malaman kung saang isolation facility mananatili para sa 14-day mandatory quarantine.

Maaari namang makita ng OFWs ang quarantine facilities na may bakante pa sa pamamagitan ng ilalagay na monitoring charts sa NAIA terminals.

Ang OSS ay sanib-pwersang inisyatiba ng DOTr, Department of Tourism (DOT), Philippine Coast Guard (PCG), Maritime Industry Authority (MARINA), Office for Transportation Security (OTS), Manila International Airport Authority (MIAA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine National Police (PNP), at Bureau of Quarantine (BOQ).

Read more...