60 pamilya apektado ng sunog sa Tondo, Maynila

Tinupok ng apoy ang isang residential building sa Tondo, Maynila Linggo ng umaga.

Ayon sa Manila Public Information Office, naganap ang sunog sa bahagi ng Juan Luna Street sa Barangay 60, Zone 5 sa Tondo.

Sinabi ng Manila PIO na mahigit-kumulang 60 pamilya ang apektado ng sunog sa lugar.

Umabot anila sa ikalawang alarma ang sunog sa tatlong palapag na gusali.

Patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung ano ang sanhi ng sunog.

Read more...