Lauro Vizconde isinugod sa ospital

INQUIRER FILE PHOTO/LYN RILLON
INQUIRER FILE PHOTO/LYN RILLON

(Update) Isinugod sa Unihealth-Parañaque City si Lauro Vizconde matapos makaranas ng cardiac arrest.

Kinumpirma ito ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) founding Chairman Dante Jimenez.

Ayon kay Jimenez, isinugod si Vizconde sa nasabing ospital at ngayon ay nasa Intensive Care Unit (ICU).

Nagsasagawa aniya ngayon ng prayer vigil ang mga miyembro ng VACC para ipanalangin ang kalagayan ni Vizconde.

Si Vizconde ay dati ring naging Chairman ng VACC.

Read more...