6 patay sa mass shooting sa Saudi Arabia

saudi arabiaAnim na katao ang nasawi sa pag-atake sa tanggapan ng education department sa Jazan Province sa Saudi Arabia.

Maliban sa anim na nasawi, mayroon pang dalawa ang nasugatan sa pamamaril ng isang suspek.

Naganap ang pag-atake sa isang remote community na malapit na sa Yemeni border.

Naaresto rin ng mga rumespondeng otoridad ang suspek pero hindi pa ito nakikilala.

Hindi pa natutukoy ang motibo ng pamamaril.

 

Read more...