Ito ay bunsod pa rin ng muling pagpapalawig ng ipinatutupad na enhanced community quarantine dulot ng COVID-19.
Magbabalik naman anila ang routine visa services ngunit hindi pa sila makakapagbigay ng petsa sa ngayon.
Maaari namang magpa-reschedule ang mga apektadong aplikante kapag naialis na ang ECQ sa Metro Manila.
Maaaring tumawag sa Embassy call center sa numerong +63 (2) 7792-8988 at +63 (2) 8548-8223.
Pwede ring gamitin ang kanilang online appointment system sa ustraveldocs.com/ph.
“There is no fee to change an appointment and visa application fees are valid for one year in the country where the fee was paid,” dagdag pa ng embahada.