Bilang ng sumailalim sa COVID-19 mass testing sa Makati, nasa 664 na

Mahigit 600 na ang sumailalim sa COVID-19 mass testing sa Lungsod ng Makati.

Ayon sa Makati Health Department at Ospital ng Makati hanggang April 25, 664 katao na ang nakapagpasuri sa lungsod.

Kasama rito ang frontliners at healthcare workers sa lungsod.

Batay sa datos, 24 sa mga nagpasuri ay negatibo ang resulta ng COVID-19 test.

Hinihintay pa naman ang resulta sa 640 iba pa.

Ayon kay Mayor Abby Binay, layong ng pagsasagawa ng libreng mass testing sa frontliners at mga taong may sintomas ng COVID-19 para matukoy, maibukod, at gamutin ang mga may sakit.

Mahalaga aniya na masuri ang frontliners dahil mayroon silang direktang pakikipag-ugnay sa mga pasyente.

Read more...