Global death toll bunsod ng COVID-19, sumampa na sa higit 200,000

Lumobo pa ang bilang ng nasawi dahil sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa huling datos, kabuuang 203,289 na ang naitalang global death toll dahil sa COVID-19 pandemic.

Pinakamataas pa rin ang napaulat na bilang ng nasawi sa Estados Unidos na may 54,265 deaths.

Sumunod dito ang bansang Italy kung saan 26,384 na ang nasasawi.

Magkalapit naman ang naitala sa Spain na may 22,902 death toll at France na may 22,614 death toll.

Sa United Kingdon, 20,319 residente na ang napaulat na nasawi.

Narito naman ang death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Belgium – 6,917
– Germany – 5,877
– Iran – 5,650
– China – 4,632
– Netherlands – 4,409
– Brazil – 4,057
– Turkey – 2,706
– Canada – 2,465
– Sweden – 2,192
– Switzerland – 1,599
– Mexico – 1,305
– Ireland – 1,063
– Portugal – 880
– India – 825
– Peru – 700
– Russia – 681
– Romania – 601
– Ecuador – 576
– Austria – 536
– Poland – 524
– Philippines – 494
– Japan – 360
– Pakistan – 269
– South Korea – 242
– Israel – 199
– Chile – 181
– Saudi Arabia – 136
– Singapore – 12

Samantala, pumalo na sa 2,921,201 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Read more...