BREAKING: Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 7,294

Lumobo pa ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Sabado ng hapon (April 25), 7,294 na ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa bansa.

102 ang panibagong napaulat na kaso sa bansa sa nakalipas na 24 oras.

Samantala, nadagdagan ng 17 ang bilang ng nasawi dahilan para umabot sa 494 ang COVID-19 related deaths sa Pilipinas.

30 naman ang napaulat na bagong gumaling na pasyente.

Bunsod nito, nasa 792 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Read more...