Heat index sa Metro Manila sa April 25, umabot sa 37 degrees Celsius

Bahagyang mas mababa ang naitalang heat index o alinsangang naramdaman sa Metro Manila sa araw ng Sabado, April 25.

Ayon sa PAGASA, nasa 37 degrees Celsius ang heat index sa Science Garden, Quezon City bandang 2:53, Sabado ng hapon.

Mas mababa ito kumpara sa naitalang 39 degrees Celsius noong Biyernes, April 24.

Samantala, umabot naman sa 34.2 degrees Celsius ang maximum temperature sa nasabing lugar sa araw ng Sabado.

Paalala pa rin ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activities tuwing tanghali at hapon.

Read more...