Burgos, Surigao del Norte nilindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang Burgos, Surigao del Norte Sabado ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 26 kilometers Northeast ng Burgos dakong 3:27 ng hapon.

14 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Gayunman, tiniyak ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang mararamdamang intensities at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...