Bilang ng naaresto sa umiiral na lockdown sa Sampaloc, Maynila umakyat na sa 130

Umakyat na sa 130 ang naarestong lumabag sa umiiral na ‘hard lockdown’ sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa Manila Public Information Office, naitala ang nasabing datos hanggang 12:00, Sabado ng tanghali (April 25).

Nagsimula ang lockdown noong Huwebes dakong 8:00 ng gabi (April 23).

Tatagal ang pagpapatupad ng ‘hard lockdown’ hanggang sa Sabado, ganap na 8:00 ng gabi (April 25).

Sa huling datos, nasa 113 residente sa Sampaloc ang positibo sa COVID-19.

Read more...