Naharang ng mga awtoridad sa isang operation sa Sta. Barbara, Iloilo ang isang delivery truck na naglalaman ng mahigit 500 kahon ng alak, Biyernes ng hapon (April 24).
Nadiskubre na kasama sa mga sakay ng truck ay si Barangay Kagawad Joel Saludares at inaresto din ang mga kasama niyang sina Romnick Suamen, Jophil Angelo at Janron Angelo.
Kasama naman ng mga tauhan ng CIDG sa pagsasagawa ng operasyon sa Barangay Agutayan ang mga tauhan ng PNP – HPG 6, Sta. Barbara Police Station at RIDG 6.
Nakuha sa pag-iingat ng apat ang dalawang Isuzu Elf van at halos 11,000 bote ng Tanduay Rhum.
Ikinasa ang operasyon base sa utos ni Gov. Arthur Defensor Jr., na pagpapatupad ng liquor ban sa lalawigan kasabay ng umiiral na enhanced community quarantine sa lalawigan.
Kakasuhan ang apat ng paglabag sa Revised Penal Code at paglabag sa Republic Act 11332.