Global death toll bunsod ng COVID-19, sumampa na sa higit 197,000

Lumobo pa ang bilang ng nasawi dahil sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa huling datos, kabuuang 197,245 na ang naitalang global death toll dahil sa COVID-19 pandemic.

Pinakamataas pa rin ang napaulat na bilang ng nasawi sa Estados Unidos na may 52,185 deaths.

Sumunod dito ang bansang Italy kung saan 25,969 na ang nasasawi.

Magkalapit naman ang naitala sa Spain na may 22,524 death toll at France na may 22,245 death toll.

Sa United Kingdon, 19,506 residente na ang napaulat na nasawi.

Narito naman ang death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Belgium – 6,679
– Germany – 5,760
– Iran – 5,574
– China – 4,632
– Netherlands – 4,289
– Brazil – 3,670
– Turkey – 2,600
– Canada – 2,302
– Sweden – 2,152
– Switzerland – 1,589
– Mexico – 1,221
– Ireland – 1,014
– Portugal – 854
– India – 780
– Peru – 634
– Russia – 615
– Ecuador – 576
– Romania – 567
– Austria – 530
– Poland – 494
– Philippines – 477
– Japan – 345
– Pakistan – 253
– South Korea – 240
– Israel – 194
– Chile – 174
– Saudi Arabia – 127
– Singapore – 12

Samantala, pumalo na sa 2,830,051 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Read more...