Presyo ng bulaklak sa Araneta Center, Cubao, tumaas na rin

Kuha ni Alvin Barcelona
Kuha ni Alvin Barcelona

Malaki rin ang itinaas ng presyo ng mga bulaklak sa Araneta Center sa Cubao Quezon City.

Maliban sa Dangwa sa Maynila, kilala rin ang Araneta Center partikular ang bahagi ng Farmers na bilihan ng mga bulaklak.

Hindi nalalayo ang presyo ng bulaklak nsa Araneta Center kumpara sa presyo sa Dangwa.

Sa monitoring ng Radyo Inquirer, ang presyo ng kada isang piraso ng rosas sa Cubao ay P100 na ngayon kumpara sa P50 lamang na dating presyo.

Ang kada dosena naman ng rosas ay P800 na mula sa dating P300 lamang.

Ang gerbera ay P400 ang halaga. Maliban sa rosas, mabibili din ang iba pang uri ng bulaklak sa Araneta Center gaya ng tulip, Malaysian mums, Ecuadorian roses at iba pa.

Maari ding makabili ng mga stuffed toys sa halagang P350 hanggang P500.

Para naman sa mga gustong maganda ang arrangement ng kanilang bulaklak, pwedeng bumili ng mga bulaklak at ipaayos na mismo sa mga tindahan sa Cubao.

Payo naman ng mga nagtitinda ng bulaklak, para tumagal ang buhay ng mga bulaklak, ibabad ito sa tubig na hinaluan ng kaunting liquid bleach.

Kaya umanong tumagal ng hanggang dalawa o tatlong araw ng bulaklak kapag ibinabad ang stem nito sa tubig na may liquid bleach.

Read more...