73% ng mga Pinoy naniniwala sa forever

May ForeverMaraming Pilipino ang naniniwala na mayroong forever batay sa bagong surver ng Social Weather Stations o SWS.

Sa SWS fourth quarter 2015 survey, 73 percent ng adult Filipinos ang naniniwala sa forever at 16 percent ang hindi naniniwala dito.

Nagresulta ito sa net belief score na plus 57 na ikinunsidera ng SWS na strong.

Sa survey na ginawa mula December 5 hanggang 8, nasa 67 percent naman ng mga Pinoy ang ‘strongly’ o ‘somewhat’ na naniniwala sa long distance relationship.

Nasa 21 percent naman ang ‘somewhat’ o ‘strongly’ na hindi naniniwala na uubra ang relasyon ng dalawang magkalayo ang lugar.

Fifty one percent naman ng mga respondents ang very happy ang kanilang love life; 38 percent ang naniniwala na pwede pa silang maging masaya sa pag-ibig at sampung porsyento ang loveless.

Ang 2015 survey ay may bahagyang pagtaas noong 2014 kung kailan lumabas na 49 percent ang sobrang masaya sa kanilang love life.

Taong 2002 nang simulan ng SWS ang survey at sa panahon na iyon ay 58 percent ang happy sa kanilang buhay pag-ibig.

Samantala, sa 2015 married respondents, 59 percent ang may very happy na love life.

Read more...