Sa huling tala hanggang 11:00, Biyernes ng gabi (April 24), kabuuang 1,104 na ang nagpositibo sa nakakahawang sakit sa lungsod.
956 ang nakumpirmang kaso ng Department of Health (DOH) na may kumpletong address.
Nasa 788 naman ang bilang ng kaso na na-validate na ng QCESU at District Health Offices.
Samantala, 549 ang aktibo pang kaso nito at 247 ang suspected COVID-19 cases.
133 ang naitalang nakarekober na residente sa lungsod at 106 ang nasawi.
MOST READ
LATEST STORIES