Pandan, Catanduanes niyanig ng lindol

Yumanig ang magnitude 3.3 na lindol sa Pandan, Catanduanes Sabado ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 112 kilometers Northwest ng Pandan bandang 8:17 ng umaga.

33 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang naidulot na pinsala sa lugar ang lindol.

Wala ring naitalang intensities at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...