Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Laguna umabot na sa 261

Muling nadagdagan ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna, pumalo na sa 261 ang kabuuang kaso (Biyernes, April 24 8:00 PM).

Ang mga lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay ang sumusunod:

San Pedro – 42
Los Banos-34
Calamba – 28
Biñan – 26
Santa Rosa – 26
Santa Cruz – 18
San Pablo – 15
Cabuyao – 10
Calauan-6
Liliw – 6
Lumban – 6
Pila – 6
Victoria – 6
Bay – 5
Pagsanjan – 5
Majayjay – 4
Nagcarlan – 4
Alaminos – 3
Kalayaan – 3
Cavinti-2
Pakil – 2
Famy – 1
Mabitac – 1
Paete – 1
Rizal – 1

Sa nasabing bilang 129 pa ang naka-admit sa mga ospital, 59 ang sumasailalim sa home quarantine at 51 na ang naka- recover.

Nasa 22 naman na ang bilang ng nasawi sa lalawigan.

Read more...