Bilang ng nasawi sa COVID-19 sa US umakyat na sa mahigit 50,000

Nakapagtala na ng mahigit 50,000 na nasawi sa Estados Unidos dahil sa COVID-19.

Ayon sa huling datos, ang US ay mayroon nang 50,243 na bilang ng nasawi dahil sa sakit.

Ang kumpirmadong bilang naman ng COVID-19 cases sa US ay umabot na sa mahigit 886,700.

Sa nasabing bilang, mayroong mahigit 85,900 na naka-recover na at mayroon pang 750,000 na aktibong kaso.

 

 

Read more...