Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 80 na

Umakyat na sa 80 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos mula sa PNP (Biyernes, April 24 6PM) sa nasabing bilang mayroong 12 pulis na nakarecover na habang may 3 pumanaw.

Mayroon ding 95 na probable case ng COVID-19 sa PNP at 567 na suspected case.

Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

Read more...