Bilibid nakapagtala na ng unang kaso COVID-19

Sa kabila ng ilang linggo nang paghihigpit nakapagtala na ng unang kaso ng COVID-19 sa New Bilibid Prisons.

Kinumpirma ito ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay sa BuCor ang nagpositibong preso ay isang lalaki na na-admit sa RITM noong April 17.

Base sa impormasyon na nakarating sa BuCor, pumanaw na ang nasabing preso Huwebes (April 23) ng gabi.

Naabisuhan na ng NBP ang mga kaanak ng bilanggo.

Ang iba pang preso na nakasalamuha ng pasyente ay nananatiling naka-quarantine at pawang asymptomatic.

 

 

 

 

Read more...