Dinala sa ospital at isinailalim sa check-up si Davao City Mayor Rodrigo Duterte matapos atakihin ng migraine kahapon at kanselahin ang nakatakda sanang speech sa Crown Hotel sa Ortigas.
Ayon kay Bong Go, chief of staff ni Duterte, hindi naman na-confine ang alkalde pero pinayuhan ito ng kaniyang duktor na magpahinga.
Dahil aniya sa mahigpit na schedule ni Duterte nitong nagdaang mga araw, nakaranas ito ng severe migraine at acute bronchitis.
“We were away from his home for more than 10 days and the rigid schedule led to an acute bronchitis and severe migraine,” ayon kay Go.
Umuwi muna si Duterte sa Davao City para magpahinga kaya pero maari aniya itong magpaunlak doon ng panayam.
Guest speaker sana si Duterte kahapon sa harap ng Philippine Society of Hypertension at Philippine Lipid and Atherosclerosis Society.
Pero hindi ito tumuloy at bumalik na lamang sa kaniyang hotel room para magpahinga matapos makaranas ng migraine.