238 na ECQ violators huli sa QC

Aabot sa 238 na lumabag sa enhanced community quarantine ang naaresto sa Quezon City sa nakalipas na dalawang araw.

Sa update ng QC Local Government Unit, noong April 22 ay may 126 na naarestong ECQ violators at 112 naman noong April 23.

Patuloy naman ang paalala ng lokal na pamahalaan sa mga residente na manatili sa kanilang bahay.

Kung kailangang lumabas at dapat dalhin ang quarantine pass, at huwag kalimutan ang social distancing protocols at pagsuot ng face mask.

 

 

 

Read more...