Warehouse ng Ginebra San Miguel sa Laguna nasunog

Tinupok ng apoy ang warehouse ng Ginebra San Miguel sa Cabuyao, Laguna.

Nagsimula ang sunog bago mag alas 4:00 ng hapon sa Ginebra San Miguel Warehouse, Brgy. Pittland.

Umabot sa Task Force Bravo ang alarma ng sunog bago naideklarang under control 4:43 ng hapon.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang nasunog.

 

 

Read more...