Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 24, nasa 1,185 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 43 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 689 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ayon sa DFA, 319 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Nadagdagan ng 15 ang nasawing overseas Filipino. Dahil dito, 177 na ang bilang ng Pinoy abroad na nasawi dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive sa bahagi ng Europa na may 389 na kaso.
Sumunod dito ang Asia Pacific Region na may 327 na kaso, ang Americas na mayroong 303 cases at ang Middle East/Africa na may 166 na kaso.