Gobyerno, dapat maglatag ng contingency plan sa mga mapapauwing OFWs mula Middle East-Tolentino

Francis TolentinoKailangang maglatag ng mga plano at hakbang ang pamahalaan upang masiguro na mayroong hanapbuhay o pagkakakitaan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs)‬ na posibleng mapauwi o mawalan ng trabaho sa Middle East dulot ng patuloy na pagbagsak ng presyo ng langis.

Ayon kay independent senatorial candidate ‪Francis Tolentino‬, bagamat wala pang nangyayaring mass displacement ng OFWs sa Middle East‬, kapansin-pansin naman ang pagbawas sa recruitment at deployment ng mga OFWs patungo sa Gitnang Silangan.

Sinabi ni Tolentino na ang patuloy na pagbagsak ng presyo ng langis ay nakapagpabagal sa ekonomiya ng mga bansa sa Middle East, at ang mga oil companies kasama na rin ang mga service industries ay bumabagsak din ang kita.

Dahil dito, marami nang kumpanya ang nagpapatupad ng ng retrenchment at downsizing.

Sinabi ni Tolentino na kahit 10% lamang ng dalawang milyong OFWs sa Middle East ang posibleng mapauwi ay malaki ang epekto nito sa ekonomiya ng bansa, partikular sa pakinabang sa OFW remittances.

Hiniling ni Tolentino sa gobyerno na maghanda ng contingency plan para sa tulong ng Department of Labor and Employment, Philippine Overseas Employment Administration (POEA), OWWA Overseas Workers Welfare Administration, TESDA at iba pang mga ahensiya upang matiyak na may kabuhayan ang mga OFWs na mapapauwi.

Maging ang mga local government units ayon kay Tolentino ay dapat magbigay ng insentibo at tulong sa mga OFWs na gustong magtayo ng sariling negosyo, katulad ng tatlong taong tax exemption bukod pa sa libreng training at pautang para kapital sa mababang interes.

Bukod sa tulong pang negosyo iminungkahi ni Tolentino sa DOLE na magsagawa ng job recruitment fairs at training seminars at workshops na makakatulong sa mga pabalik na OFWs para sila ay makapasok sa mga industriyang nangangailangan ng manggagawa, katulad ng semiconductor at electronics, business process outsourcing, automotive, coconut at tourism sectors.

Read more...