Infant formula milk bawal i-donate

Hindi pwedeng isama sa mga donasyon at relief ang infant formula milk.

Paglilinaw ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil marami ang nagtatanong hinggil sa pagbabawal ng milk donations.

Ayon kay DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan E. Malaya bawal ang donasyon ng infant formula, powdered milk at iba pang uri ng breastmilk substitutes, commercial baby food, feeding bottles, artificial nipples at teats.

“May ilang LGUs na ang namigay ng milk formula kasabay ng distribution nila ng food aid. While the intent to help is laudable, our health experts have advised against it. Hindi pa rin mapapantayan ang nutrisyon ng breastmilk. Let’s promote, protect and support exclusive breastfeeding only for infants 0 to 6 months old,” ayon kay Malaya.

Pero ani Malaya tanging ang infant formula at iba pang breast milk substitutes ang bawal. Ang iba pang gatas para sa mga bata at nakatatanda ay pwede pa ring ipamahagi.

“If a mother is too ill, she should be encouraged to express breastmilk and give it to her infant or child via a clean cup or spoon – all while following the same infection prevention and control methods,” dagdag pa ng DILG.

 

 

Read more...