BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas mahigit 7,000

Patuloy pa rin ang paglobo ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Biyernes ng hapon (April 24), 7,192 na ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.

211 ang panibagong napaulat na kaso sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 15 pasyente ang nasawi kung kayat ang COVID-19 related deaths ay umabot na sa 477.

Mataas naman ang bilang ng naitalang gumaling o naka-recover na umabot sa 40.

Dahil dito, 762 na ang total recoveries nito sa Pilipinas.

Read more...