Mga motel, kani-kaniyang gimik na para sa Valentine’s Day

Kuha ni Alvin Barcelona
Kuha ni Alvin Barcelona

“Bagsak-presyo” ang pang-akit ng mga motel sa Bagong Barrio, Caloocan City para sa Valentine’s Day.

Sa ngayon kasi, bibihira pa ang mga kliyente na nagtutungo sa mga motel sa Caloocan.

Kuha ni Alvin Barcelona

Ayon sa isang manager ng kilalang motel chain, taun-taon kapag Valentine’s Day, bihira ang nagtutungo sa mga motel kapag mismong Araw ng mga Puso o February 14.

Mas dumarami umano ang kanilang mga parokyano o kliyente kapag February 15 o 16.

At para makaakit ng mga kliyente, may kaniya-kaniyang gimik sa presyo ang mga motel sa Caloocan.

Kuha ni Alvin Barcelona

May isang motel na “bagsak-presyo” ang alok sa publiko. P170 lamang para sa 2 oras na stay, P259 para sa 3 oras na stay at P289 naman kung limang oras.

May promo din para sa mga nais mag-stay ng 10 oras sa halagang P350 lamang.

Kuha ni Alvin Barcelona

Ang isang kilalang motel chain, para sa 10 hours stay, P555 ang presyo ng standard room at P1,025 naman para sa de luxe room.

Ang isa pang sikat na motel chain, may promo rin sa kanilang Caloocan Branch. P375 lamang para sa 10 hours stay at may libre pang dagdag na 10-minuto./ Alvin Barcelona

 

Read more...