Aplikasyon para sa Small Business Wage Subsidy pinalawig pa

Pinalawig hanggangs sa May 8, 2020 ang paghahain ng aplikasyon para sa Small Business Wage Subsidy (SBWS) ng pamahalaan.

Base ito sa abiso ng mga ahensya ng gobyerno na namamahala sa nasabing programa.

Ayon sa Department of Finance, mula sa dating deadline na April 30 ay ginawa itong May 8, 2020.

Dalawang pamamaraan ang maaring gamitin ng employers sa paghahain ng aplikasyon.

Ang mga SBWS-eligible employers na mayroong file ng kanilang email addresses sa SSS ay pinadalhan ng link sa kanilang email para sa proseso.

Para sa iba pang SBWS-eligible employers maaring magproseso ng aplikasyon sa My.SSS account.

 

 

 

Read more...