Barangay sa Montalban na mayroong 120K na populasyon isasailalim sa 14 na araw na lockdown

Isasailalim sa 14 na araw na total lockdown ang isang barangay sa Montalban, Rizal na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa bayan.

Sa ilalim ng Executive Order na nilagdaan ni Montalban Mayor Tom Hernandez, epektibo ang 14 na araw na lockdown sa Barangay San Jose mula sa April 27, 2020 hanggang May 10, 2020.

As of April 23 ng hapon, ang bayan ng Montalban ay mayroong 17 kumpirmadong kaso ng COVID-19, sa nasabing bilang 10 ay mula sa Barangay San Jose.

Sa ilalim ng lockdown, hindi papayagang makalabas ng barangay ang mga residente at hindi rin papayagang mapasok ito ng mga hindi taga rito.

Isasara ang lahat ng entry at exit points sa barangay at ang tanging papayagan lang ay ang access sa basic necessity, ang paglabas-masok ng mga nagtatrabaho sa samga establisyimentong exempted sa enhanced community quarantine.

Kabilang ditto ang mga sumusunod:
– sari-sari stores
– markets
– supermarkets
– groceries
– convenience stores
– hospitals
– medical clinics
– pharmacies
– drug stores
– food preparation
– delivery services
– water refilling stations
– manufacturing at iba pa na base sa gudelines ng IATF.

Magtatayo ng 24/7 checkpoints sa mga border ng barangay na mamanduhan ng mga tauhan ng PNP, Philippine Army, at Municipal Government ng Montalban.

Istriktong ipatutupad ang 6:00am hanggang 12:00nn lang na pagbubukas ng mga sari-sari store. Hindi papayagan ang side-walk o ambulant.

Lahat ng tao ay dapat istriktong nasa loob lang ng bahay maliban na lang kung bibili ng basic necessities.

Ang mga lalabag ay aarestuhin at dadalhin sa Municipal Sports Complex.

Papayagan pa rin ang ibang taga-Barangay na makapamili sa Pamilihang Bayan ng Montalban na nasa hurisdiksyon ng Barangay San Jose.

Ang Barangay San Jose ay tinatayang mayroong 120,000 na residente at isa sa mga barangay sa bansa na may pinakamaraming populasyon.

 

 

 

Read more...