Hindi pa pinal na sa Setyembre na nga bubuksan ang klase para sa School Year 2020-2021.
Ang pagbubukas ng klase sa Setyembre ay inirekomenda ng Inter Agency Task Force kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Pero ayon kay Department of Education Secretary Leonor Briones, magkakaroon pa sila ng final presentation sa IATF sa unang linggo ng buwan ng Mayo.
Sa press briefing sa Malakanyang kinumpirma din ni National Economic and Development Authority (NEDA) Acting Secretary na hindi pa pinal ang naturang petsa para sa pagbubukas ng klase.
Sa ilalim kasi ng Republic Act 7977 o Act on lengthening of School Calendar ang pagbubukas ng klase ay dapat hindi lalagpas sa huling araw ng buwan ng Agosto.
MOST READ
LATEST STORIES