Pag-convert sa shipping container bilang mobile health facilities sinimulan na ng DPWH

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pag-convert sa mga shipping container nilang mobile health facilities.

Ayon sa DPWH, mayroon na silang design plans para sa 40 feet byb 8 feet container vans na maaring gawing mobile field hospitals.

Ang nasabing mga pasilidad ay gagamitin blang isolation facilities para sa COVID-19 patients.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ang DPWH NCR ay natapos na sa pag-convert ng isang shipping container.

Ang isang 40-footer shipping container ay hinati sa apat na kwarto at idinesenyo base sa guidelines ng Department of Health.

Mayroon itong proper ventilation at toilet and bath.

 

 

 

 

 

 

Read more...