Bilang ng mga naaresto sa lockdown sa Sampaloc, Maynila 65 na

Umakyat na sa 65 ang bilang ng mga naaresto sa Sampaloc, Maynila dahil sa paglabag sa lockdown.

Ayon sa Manila Public Information Office mula nang ipatupad ang lockdown Huwebes (Apr. 23) ng gabi ay 65 na ang nadakip.

Lahat ng naaaresto ay dinadala sa pansamantalang holding facility.

Una nang sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na kuntento siya sa itinatakbo ng hard lockdown sa Maynila.

Mayorya kasi aniya ng mga residente ay sumusuporta sa polisiya.

 

 

 

 

Read more...