Master Sergeant Daniel Florendo sinampahan na ng kasong homicide

Ipinagharap na ng reklamong homicide ng Quezon City Police District (WCPD) si Police Master Sergeant Daniel Florendo.

Si Florendo ang nakabaril at nakapatay sa retiradong sundalo na si Cpl. Winston Ragos.

Ayon kay QCPD chief Police Brigadier General Ronnie Montejo, sumailalim agad sa online inquest si Florendo.

Ibinase aniya ang inihaing reklamo sa mga ebidensyang nakuha ng pulisya.

Sa ngayon ay tanging si Florendo ang ipinagharap ng reklamong homicide.

 

 

 

Read more...