23 frontliners nagpositibo sa mass testing sa Pasig gamit ang Rapid Test Kits

Umabot sa 23 nang frontliners sa Pasig City ang nagpositibo sa unang dalawang araw nang isinasagawang mass testing sa lungsod.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, umabot na sa 875 na frontliners ang naisailalim sa COVID test gamit ang Rapid Testing Kits.

Ang mga nagkaroon ng “reactive” o positive na resulta ay isasailalim sa quarantine habang hinihintay ang resulta ng kanilang confirmatory PCR-based test.

Kailang sa mga nakalinya na isailalim sa Rapid Test sa Pasig ay ang mga PUIs at symptomatic health workers.

 

 

Read more...