Death toll sa US dahil sa COVID-19 halos 50,000 na

Sumampa na sa halos 50,000 ang bilang ng nasawi sa Estados Unidos dahil sa COVID-19.

Ito ay matapos na makapagtala ng 3,176 na nasawi sa US sa nakalipas na magdamag ayon sa datos ng John Hopkins University.

Kabilang ito sa mga pinakamataas na magdamagang death toll sa US.

Sa ngayon mayroon nang 49,759 na death toll ang US.

Nakapagtala na dina ang US ng mahigit 866,000 na kaso ng COVID-19.

Sa magdamag ay mahigit 26,000 ang nadagdag na panibagong tinamaan ng sakit.

 

 

Read more...